Ang Miss World 1974 ay ang ika-24 na edisyon ng Miss World pageant, na ginanap sa Royal Albert Hall sa Londres, Reyno Unido noong 22 Nobyembre 1974. Pagkatapos ng kompetisyon, kinoronahan ni Julia Morley si Helen Morgan ng Reyno Unido bilang Miss World 1974. Ito ang unang inang nagwagi at ang ikaapat na tagumpay ng Reyno Unido sa kasaysayan ng kompetisyon. Nagtapos bilang first runner-up si Anneline Kriel ng Timog Aprika, habang nagtapos bilang second runner-up si Lea Klein ng Israel. Bagama't alam ng mga pageant organizer na si Morgan ay isang nag-iisang ina at may anak nang siya ay nagwagi bilang Miss Wales, bumitiw sa titulo si Morgan apat na araw matapos ang kompetisyon dahil sa matinding interes ng media na nagkaroon ng negatibong epekto sa kanya. Siya ay pinalitan ng kanyang first runner-up na si Anneline Kriel. Ito ang pangalawang beses na nagwagi ang Timog Aprika sa kompetisyon. Limampu't-pitong kandidata mula sa limampu't-anim na bansa at teritoryo ang kumalahok sa kompetisyong ito. Pinangunahan nina Michael Aspel at David Vine ang kompetisyon.
Developed by StudentB